/*
*/

Monday, July 16, 2007
Jogger Nads

Pag gising ko gusto ko maglakad-lakad. Matapos kong mabasa ang article ng reader's digest eh sinabi ko na sa sarili ko na hangga't kaya kong lakarin eh lalakarin ko na lang sa ngalan ng exercise. Pero san naman kaya ako magbi-brisk walking?

Sa dati naming bahay sa Blumentritt malapit kami sa norte, as in North cemetery. Sa sementeryo kasi tahimik, walang gaanong tao kaya pwede maglakad o kaya magjogging na rin pero bata pa ko nun at wala pa kong interes sa kahit anong ehersisyo maliban sa head at breathing exercise kaya di ko nagawa yon noon. Edi pinalo pa ko ng lola ko pag nagkataon, kay aga-aga pa nasa kalsada na ko.

Actually sa lokasyon ng bahay namin ngayon malapit ulit kami sa isa pang tahimik na lugar... ang Eternal Garden. Hindi ko alam kung sinasadya bang kapag kukuha kami ng matitirhan eh dapat malapit sa mga ganitong tipo ng lugar. Posible ko na sigurong magawa ang aking pagbi-brisk walking. May benyu na ako. Yehey.

Tinanong ko yung nanay ko kung okey ba yung balak ko. Sabi nya di naman daw malayo sa katotohanan. Marami naman daw ang madaling araw pa lang eh nagsisipag takbuhan na kay kamatayan este sa sementeryo. Kung gusto ko naman daw eh isama ko na rin sila, ang buong family. Magbabaon nga lang ako daw ng ilang sandwich, palaman, juice at coleman dahil madali silang nagugutom pag nagjojogging. Sabi ko mageexercise ako at hindi magpipicnic, hintayin na lang nila akong bumalik. Di lang naman ako sa timbang nagrereduce kundi pati na sa gastos.

Sa ngayon eh hindi ko pa sya nasisimulan... ang pagjo-jogging. Gusto ko kasi eh pag nagjogging ako eh mukha talaga akong magjo-jogging. Eh ano bang meron ang isang jogger? diba preskong shirt, preskong shorts, jogging/ walking shoes, tumbler para sa inumin at iPod (yung huli luho ko na lang). Hmmm. Parang wala pa ko ng mga yon. Kung ang ibig sabihin ng "presko" eh "butas-butas" pwede pa. Meron na akong butas na shirt, butas na short, pati butas na tumbler meron din. Yung sapatos ko di pa man tumatakbo eh lawit na ang dila sa hingal. O pasado na bang jogger yun? yung iPod eh.... eye-pad na lang . tatakpan ko yung isang mata ko habang tumatakbo para may challenging.

Harinawa, sa susunod na linggo, makatakbo na ako.


nads on 4:56 PM