/*
*/

Monday, July 9, 2007
Kwentong Pambata


Superman... self imposed idol yan sa kin ng mga magulang ko...kitang kita naman sa picture diba
bata pa man ako superman na ang damit ko. yeees.... pero yung cake ko nyang bday ko na yan eh spiderman. tapos i can still recall, gabi yan ginanap. Wow, a children's party na ginanap ng alas sais ng gabi? yup, la pa naman kasi akong friends gano na maiinvite non at yung nanay ko eh mga ganung time pa dadating from work kasama ang mga ninong at ninang ko..na sila na ring guest ko.. of honor.

Strength, vision, flight and speed. features ni superman yan, versus me with poise, bearing, good looks at humble pa. hehe. Di ko naman talaga idol yan, wala nga akong mapinpoint na superhero pag tinatanong ako kung sinong favorite ko kahit noon pa man.

Wallyboy: "Oh, laru tayo ng superhee-superhero-han, ako si Poodong. Kaw sino ka?"
Nads: "Si...si..."
Wallyboy: "Oh ok, game na..ma-aleeeess...."

Anu kaya yun, eh di naman superhero si Poodong, kaaway kaya yon sa Julio't Julia, alagad ni Reyna Dowager.

Kelan ko lang naging paborito, ng konti, si Batman. Imposed na naman ng magulang ko yan. Bilhan ba naman ako ng laruan na batman eh...mga dalawa. Maingat naman ako sa laruan eh. May kapa pa yun na tela, as in, tela talaga, kaya ako naaliw. Kapag nilalaglag ko sya mula sa mezanine ng bahay namin eh tinatangay ng hangin yung kapa nya...steeg tignan, kaya ko naging favorite yun. Bumili pa ko ng isa, peke, pero ganun na ganun ding edition ng batman at pag naglalaro ako gamit ang mga yon, parang melodrama na, may kakambal na si batman, yung evil twin nya. Kumupas kupas na yung pintura at nabali na yung paa bago ko tuluyang iniwan si Batman (huhuhu) SLNW

Si Popeye naman yung pinagdiskitahan ko. Nalibre pa yun sa kiddie meal ng Jollibee. Meron akong Popeye at saka Bluto, na ang tawag ko pa eh Brutus. Yon pwedeng basain sa tubig dahil gawa sa rubber. Kaya pag naliligo ako (sa timba) eh kasama ko sila, nung lumaki na ko at di na ko kasya sa timba eh sa batya ko naman sila naging ka-vibes. Nang masira ang kamao ni Popeye (dahil sa kasusuntok kay Bluto) eh sinaksakan ko yon ng double-A na battery O-ha! edi may Rockman na ko ..steeg. At ngayon, tumuturit na talaga si Bluto kapag inuumbag sya ni Popeye. Medyo di maganda ang amoy ng rubber bath toys pag nakulob..based on experience. Kaya binibilad ko sila sa bubong pagkatapos ko sila gamitin, at yon na rin ang ikinasira nila, ang matunaw dahil sa sobrang init ng araw.


Isa sa mga sarili kong binili at pinag-ipunang laruan eh yung ninja turtles ko na nakasakay sa motorcycle. Nasira yung pullback na motorcycle pero buhay pa rin yung ninja turtle kaya nalalaro ko pa rin sya. Yun nga lang lagi syang naka pormang parang nagmomotor, nakapwesto ang kamay at nakabukaka. Sinasakay ko sya madalas sa ulo ni Bluto. Parang transformers ang dating. Dahil may butas sya sa kamay eh maari mong ipasok ang kahit ano sa pagitan noon: tingting, barbeque stick, tali, paperclip, posporo at iba pang pwede nyang maging improvise na weapon laban kay Bluto. Si Bluto na kawawa dahil sya lang ang villain na meron ako. Nang mauso ang Star Wars eh nagsilbing Yoda naman si ninja turtles, look-alike naman eh.

Dalawang G.I.Joe lang ang meron ako, hindi pa sila mga kilala. At kahit ako nga eh hindi ko maisip na laruan pala sila na pambata. Meron kasing bigote at balbas yung isa, yng isa naman eh kalbo. Pero nakakatuwa sila dahil pag binatak mo sila eh meron silang goma sa loob na nagkokonekta ng lower half sa upper half ng katawan nila. steeg! kala ko nung una meron silang intestines. Ano bang espesyal sa kanila, maliban sa mukha silang mature? Mabilis silang nawala. Naihagis ko lang sila sa likod ng aparador tapos nagvolunteer yung kalaro ko na sya na ang kukuha, di nya na nakuha..o-ha Magic! Nawala ng ang G.I. Joe, at di na rin nagpakita ang kalaro kong yon.


itutuloy ko na lang ang pagpapakilala sa inyo sa mga unique yet not so peculiar na laruan ko sometime, ituloy natin tong kwentong pambata na to. Saya. Susunod transformers naman saka kotse-kotsehan.






nads on 4:11 PM