/*
*/

Friday, July 20, 2007
Ang Leon at ang Buwaya

isa pa tong peborit ko from greenpinoy category: true to life.


daig pa ang animal planet at ang national geographic hahaha


Ganito mag-abang ng pananghalian ang leon…

lion.JPG

At ganito naman mag-abang ng pananghalian ang buwaya…

waiting.jpg






nads on 9:42 AM
0 comments


Thursday, July 19, 2007
bidyoke


magcelebrate sa pamamagitan ng pagkanta.
anniversary ng Ligaya!!!!! yey!!!

nagdiwang kami sa pamamagitan ng pagkanta sa isang bidyoke bar. Masaya. Komportable sa loob ng rooms nila. July 17 pa lang nun pero parang nanood na kami ng ratatouille (teng-teng! kurek ang ispeling ...chamba)
Papa-sit bak en relaks- na sana kami nang biglang bumulaga ang isang daga mula sa ilalim ng TV rack. Mabilis itong nakatakbo sa ilalim ng sala at maya-maya pa'y nakita na namin papatakas na ito palabas ng kwarto sa pamamagitan ng pagdaan sa atip. Ito nga siguro yung ratatouille (teng-teng! kurek ang ispeling ...di na chamba yan) part 2.


Ito lang ang libangan namin ng gabing yon...


kumanta.....


nang kumanta....




hanggang sa maisipan na naming umuwi at bago yun eh kantahin ang aming perwel song..

song namber 515 please...





nads on 5:01 PM
0 comments



Medical Report


isa pang post na nabasa ko sa gpinoy. Di naman ako med student o med enthusiast pero dahil marami akong kaibigang pasyente eh siguro ikatutuwa rin nila ito


ACTUAL SENTENCES FOUND IN PATIENTS’ MEDICAL CHARTS at PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL (PGH):



1. “Patient has chest pain if she lies on her left side for over a year.”
2. “On the second day the knee was better, and on the third day it disappeared.”
3. “She has no rigors or shaking chills, but her husband states she was very hot in bed last night.”
4. “The patient is tearful and crying constantly. She also appears to be depressed.”
5. “The patient has been depressed since she began seeing me in 1993.”
6. “Discharge status: Alive but without permission.”
7. “The patient refused autopsy.”
8. “The patient has no previous history of suicides.”
9. “She is numb from her toes down.”
10. “While in ER, she was examined, X-rated and sent home.”
11. “The skin was moist and dry.”
12. “Occasional, constant, infrequent headaches.”
13. “Patient was alert and unresponsive.”
14. “Rectal examination revealed a normal size thyroid.”
15. “She stated that she had been constipated for most of her life, until she got a divorce.”
16. “The lab test indicated abnormal lover function.”
17. “The patient was to have a bowel resection. However, he took a job as a stockbroker instead.”
18. “Skin: somewhat pale but present.”
19. “Patient has two teenage children, but no other abnormalities.”


nads on 4:31 PM
0 comments



Pelikula


Matapos kong mapanood yung Die Hard 4.0 ni Bruce Willis, eh napaisip ako at saka nalungkot. Parang nakahawig ko nga yang drowing na yan sa kanan. Baket? Nagkukulang na yata ang mga pinoy sa mga bagong pelikula lalo na kung aksyon.
Pinakahuli na yata yung Rumble Boy ni Derek Dee. Naalala ko yung time pa na pinopromote yon nakakita kami ng boss ko (minsang hinatid nya ko sa sakayan) ng malaking poster ng pelikulang yon na nakapaskil sa EDSA,Cubao.

Nads: "Wow, rumble boy. ronnie rickets pa direktor. Si derek dee pa ang bida"

Boss: "Derek Dee? Sino yun?"

Nads: "Sir, di ko rin kilala."

At dahil doon, ilulungsad ng "industriya" ang isang proyekto, alinsunod sa napapanahong pagda-dub ng mga banyagang telenobela sa tagalog eh iaadap na rin ang ilang pelikulang ingles sa sarili nating wika. Heto ang isang listahan ng ilang pelikulang kasama sa nasabing proyekto.


I Know What You Did Last Summer
Tagalog Title: Uyy…aminin!

Sum of All Fears
Tagalog Title: Takot Mo, Takot Ko, Takot Nating Lahat

Swordfish
Tagalog Title: Talakitok

Pretty Woman
Tagalog Title: Ganda ng Lola Mo

4 Weddings and a Funeral
Tagalog Title: Kahit 4 na Beses Ka Pang Magpakasal, Mamamatay Ka Rin

The Good, The Bad and The Ugly
Tagalog Title: Ako, Ikaw, Kayong Lahat

Harry Potter and The Sorcerer’s Stone
Tagalog Title: Adik si Harry, Tumira ng Shabu

Click
Tagalog Title: Isang Pindot ka Lang

Brokeback Mountain
Tagalog Title: Bumigay sa Bundok

Resident Evil
Tagalog Title: Ang Biyenan

Nightmare Before Christmas
Tagalog Title: Binangungot sa Noche Buena

The Lord of the Rings
Tagalog Title: Ang Alahero

Beauty and the Beast
Tagalog Title: Ang Asawa Ko at Ang Nanay Nya


nads on 4:03 PM
0 comments



para sa mga kamag-anak ni Corny-lious

Desperado ka na sa pag-ibig kung ginagamit mo na ang mga linyang ito:


1) Keyboard ka ba? Type kita e.

2) Ice ka ba? Crush kita, okay lang?

3) Para kang SM, you’ve got it all!

4) Para kang plema! Di ka kasi maalis sa dibdib ko!

5) May MMDA ba rito? Kasi nagkabanggaan puso natin!

6) Pwede ba kita maging sidecar? Single kasi ako eh…

7) Uy malala na yung sakit ko sa puso, dalawa na lang options ko para gumaling, either ICU or U C me!

8 ) Are you a PS game? Because i hope you’re not TEKKEN!

9) Alien ka ba? Kasi you’re out of this world!

10) Yosi vendor ka ba? Kasi you give me HOPE and MORE!



nads on 3:52 PM
0 comments



ESL requirements

Mag-enroll ka na sa isang ESL class kung parte na ng lengwahe mo araw-araw ang mga katagang ito: Indyoy!

“Nakakagulat ka, you started me!”
“Bring down the house down!”
“I’m the world champion of the World!!!”
“Don’t touch me not!”
“What’s your next class before this?”
“I couldn’t care a damn!”
‘It’s as brand as new.”
“Please me alone!”
“Base-to-base casis.”
“My answers have been prayered.”
“Whatever you say so.”
“Get the most of both worlds.”
“Bahala na sila sa mga batman nila.”
“Hi. I’m Jograd, what’s yours?”
“The feeling is actual.”
“For all intense and purposes.”
“Take things first at a time.”
“You’re barking at the wrong dog.”
“You want to have your cake and bake it too.”
“First and for all.”
“Now and there.”
“I’m only human nature.”
“The sky’s the langit.”
“That’s what I’m talking about it.”
“One of these days is not like the other.”
“So far, so good, so far.”
“Right there and right then.”
“What are friends are for?”
“You can never can tell.”
“Been there, been that.”
“Forget it about it.”
“Give him the benefit of the daw.”
“Well well well. Look do we have here!”
“Let’s give them a big hand of applause.”
“The more the manyer.”
“It’s a no-win-win situation.”
“Burn the bridge when you get there.”
“Anulled and void.”


nads on 3:17 PM
0 comments



feeling showbiz

ngayon magpapaka-vain ako wahahahaha.


hayaan nyo ng paminsan minsan eh magfeeling showbiz naman ang kuya-kuyahan nyo. Frustration ng yata ito simula nung di ako natanggap sa Ang TV, gnash! nu ba naman kasing talent ko nun kundi tumula at sumayaw ng running man....kung tutuusin dapat narebolusyonays ko yung Ang TV, parang si Valentin... tumutula lang sya pero sumikat...pero di rin nagtagal.. di naman kasi talent yun maliban kung lalagyan mo ng musika at tono, magiging awit na sya, yun talento yun. maraming kumikita sa ganun.


Pero ano nga kaya kung naging o maging alagad ako ng showbiz? Pano kung artista ako? Pareho pa rin kaya magiging takbo ng buhay ko??? (teneneneneng.... chymes)

Malamang makikita ko na yung sarili ko sa TV.... ay, di rin pala, sira pala yung TV namin. 29" sana eh kaso ayaw mag-ON. nakatimer... forever... gnash!



Magkakaroon ako ng TV show, pelikula, sariling reality show. Gusto ko ngang baguhin ang format ng reality show eh, gagawa ako ng reality show na Sci-Fi.

Di rin siguro.. gang panaginip at pangarap lang.

Mas gusto ko yung simpleng pamumuhay lang.

Bagay ang pagiging ganun sa mga kayang makisabay, inaamin ko di ako ganun. Aangkas na lang ako, sabay 1-2-3 hahaha.


nads on 9:27 AM
0 comments


Monday, July 16, 2007
Jogger Nads

Pag gising ko gusto ko maglakad-lakad. Matapos kong mabasa ang article ng reader's digest eh sinabi ko na sa sarili ko na hangga't kaya kong lakarin eh lalakarin ko na lang sa ngalan ng exercise. Pero san naman kaya ako magbi-brisk walking?

Sa dati naming bahay sa Blumentritt malapit kami sa norte, as in North cemetery. Sa sementeryo kasi tahimik, walang gaanong tao kaya pwede maglakad o kaya magjogging na rin pero bata pa ko nun at wala pa kong interes sa kahit anong ehersisyo maliban sa head at breathing exercise kaya di ko nagawa yon noon. Edi pinalo pa ko ng lola ko pag nagkataon, kay aga-aga pa nasa kalsada na ko.

Actually sa lokasyon ng bahay namin ngayon malapit ulit kami sa isa pang tahimik na lugar... ang Eternal Garden. Hindi ko alam kung sinasadya bang kapag kukuha kami ng matitirhan eh dapat malapit sa mga ganitong tipo ng lugar. Posible ko na sigurong magawa ang aking pagbi-brisk walking. May benyu na ako. Yehey.

Tinanong ko yung nanay ko kung okey ba yung balak ko. Sabi nya di naman daw malayo sa katotohanan. Marami naman daw ang madaling araw pa lang eh nagsisipag takbuhan na kay kamatayan este sa sementeryo. Kung gusto ko naman daw eh isama ko na rin sila, ang buong family. Magbabaon nga lang ako daw ng ilang sandwich, palaman, juice at coleman dahil madali silang nagugutom pag nagjojogging. Sabi ko mageexercise ako at hindi magpipicnic, hintayin na lang nila akong bumalik. Di lang naman ako sa timbang nagrereduce kundi pati na sa gastos.

Sa ngayon eh hindi ko pa sya nasisimulan... ang pagjo-jogging. Gusto ko kasi eh pag nagjogging ako eh mukha talaga akong magjo-jogging. Eh ano bang meron ang isang jogger? diba preskong shirt, preskong shorts, jogging/ walking shoes, tumbler para sa inumin at iPod (yung huli luho ko na lang). Hmmm. Parang wala pa ko ng mga yon. Kung ang ibig sabihin ng "presko" eh "butas-butas" pwede pa. Meron na akong butas na shirt, butas na short, pati butas na tumbler meron din. Yung sapatos ko di pa man tumatakbo eh lawit na ang dila sa hingal. O pasado na bang jogger yun? yung iPod eh.... eye-pad na lang . tatakpan ko yung isang mata ko habang tumatakbo para may challenging.

Harinawa, sa susunod na linggo, makatakbo na ako.


nads on 4:56 PM
0 comments



be proud to be pinoy


umaatend naman din kayo ng mga seminar diba? mga symposium, lecture.."oo, pag required." napadalo ako kailan lang sa isang PTA...yapyap, PTA as in parents-teachers association na miting. di naman ako magulang, di naman ako guro, di naman lalo ako asosasyon.. eh anong ginagawa ko dit? napaisip tuloy ako. Ahhh... ako pala yung operator ng LCD projector na gagamitin. Madali lang naman yun, pindot-pindot lang. Ang kinatuwa ko lang eh yung pagkanta ng nasyonal antem. matagal-tagal na rin simula nung huli akong nakapag-plag seremoni, hayskul pa yata yun, nung kolehiyo tuluyan ng wala akong inabutang ganun.

kau-kausap ko yung nag-ayos ng takbo ng programa tapos pinakita nya sa kin yung mga kelangan kong iprodyek at kung kelan ko ipapalabas ang mga yon.

Jo: "Eto yung sa invocation...picture lang yan."
Nads: "Oks."
Jo: "Eto yung sa national anthem, primary colors lang.... hmmm... dinagdag ko na rin yung lyrics para safe."

Para safe?

anu kaya yun?

Napansin ko nga, nung tumugtog na yung lupang hinirang at prinodyek ko na yung liriks eh mas marami yung kumanta... ngapala, minus-one kasi yung track kaya kung walang kakanta eh wala lalong kwenta. puro tunog lang. kahapon nakapanood ako ng las pul syo sa sinehan, syempre merong national anthem na parte doon bago magsimula ang palabas, nagkakahiyaan pang tumayo, tatayo na lang nga di pa magawa agad, gnash!

bakit tayo ilang kumanta, tumayo at magbigay-pugay sa watawat? dahil ba masyado tayong bata? dahil ba masyado na tayong matanda? o dahil pinoy tayo? dahil gusto ko lang makatulong, eto ang ilan sa mga suhestyon na posibleng magawa para lalong maging parte ng ating buhay watawat, ang pambansang awit at iba pang sumisimbolo sa ating pagka-pilipino sa simpleng paraan:






UNA. bumili ng maliit na replika ng watawat ng Pilipinas, mga 2"x5" at idikit sa dulo ng straw ng inyong iniinom. sa gayong paraan kada higop ninyo ay maaalala nyo na sa bawat mililitro ng inuming iyon ay nabigyan nyo ng kita ang mga manggagawang pinoy sa mga pabrika ng sopdringks. isabay sa pagdighay ang pagsigaw ng "mabuhay ang pilipinas".







PANGALAWA. gawing ring-tone sa cellphone ang lupang hinirang. tandaang ilagay palagi sa LOUD o ASCENDING ang tono. makakatulong ito lalo na kung siksikan at walang maupuan sa loob ng isang pampublikong sasakyan. I-play lamang ang lupang hinirang na polytone at hintaying magsitayo ang mga pasahero. pasimpleng humanap ng gustong pwesto bago tuluyang matapos ang kanta. Mainam ito sa mga bata, matanda, mga babae at mga nagdadalantao.












PANGATLO. sa tuwing magkakatay ng manok o baboy para lutuin (abiso sa mga matador) magsuot ng kostyum na pangkatipunero, isama na rin ang sumbrerong yari sa buri na may titik na "KKK". At sa pagkatay, alalahanin kung papaano ipinaglaban ang ating kalayaan laban sa mga kastila. makakatulong din na lagyan ng damit na pambanyaga ang baboy o manok para mas maging riyalistik. (paalala: huwag turuang humawak ng sandata ang mga hayup)











PANG-APAT. nabutas ba ang damit? kailangan bang tahiin? bago manahi magsuot ng baro't saya at umupo sa isang tumba-tumba gaya ng mga nakikita natin sa mga magagarang painting. paupuin ang mga apo sa sahig para sa karagdagang sinematograpi at magkwento tungkol sa giyera. kapag nasulsi na at hindi pa tapos ang inyong kwento, lagyan muli ng punit at magsulsi ulit. isiping ikaw si tandang sora.





PANLIMA. madalas ka bang mag MRT? naiinis ka ba sa pa-southbound na Cubao dahil sa mga sumisiksik na tao kahit punung-puno na ang tren? ganito ang gawin, bago pa man dumating sa Cubao (hal. nasa kamuning station pa lang ) yayain ng magkapit-bisig ang mga tao na nasa loob na ng tren. Yayain silang magkaisa gamit ang isang megaphone. magtali ng dilaw ng good morning towel sa ulo at ipormang parang titik "L" ang daliri sa kamay. Makakatulong din na isiping nasa EDSA talaga kayo.




Kung tutuusin hindi naman magiging mahirap dapat para sa atin ang gawin ang mga ito. Magiging endyoyabol pa nga ito lalo na kung isasama ang buong pamilya. magsaya at magdiwang. be proud to be pinoy.






nads on 10:05 AM
0 comments


Friday, July 13, 2007
kabilang ako. YEY! ikalawang yugto

6. Alam mo ang ibig sabihin ng "time first"

- ibig sabihin nyan ay "teka muna", na pwede namang nanggaling sa mas mahabang salitang "hintay ka muna" wala kasing salitang teka. Isa yang pribilehiyo sa gitna ng laro: para magpahinga, magpalit ng damit, uminom ng tubig, magwiwi at sa mga nakakatanda eh manggulang.
ginagamit din ito pag kelangan mong mag-isip ng istratehiya sa langit-lupa at moro-moro o mataya-taya.

Wally Boy: "huli ka na!!!! taaa-...."
Nads: "Taym pers!"
Wally Boy: "isa...dalawa...."
Nads: "bantay pares..doble taya! bantay pares..doble taya!!"

7. Alam mo na importante ang "Period, no erase!"

- pag sinabi yan eh parang wala ka ng magagawang iba para baguhin kung ano man ang napagdesisyunan. Parang salitang "SAVE!" na nakasulat sa blackboard na may nakalistang "noisy at NIPS"

Wally Boy: "huli ka na!!!! taaa-...."
Nads: "Taym pers!"
Wally Boy: "isa...dalawa...."
Nads: "bantay pares..doble taya! bantay pares..doble taya!!"
WAlly Boy: "tatlo...apat..."
Nads: "bantay pares..doble taya! bantay pares..doble taya!!...Period, no erase!!!"
Wally Boy: "takte..."(sabay hanap ng ibang matataya)

8. Nilalagyan mo ng Pritos Ring ang bawat daliri mo sa kamay.

- ah Pritos Ring, yung kulay pula. da best. Oo, may kakarampot nga syang butas sa gitna, kaya sya naging unique. Ginagawa pang singsing nga yan dati, dahil nun lang nakakasya ang daliri ko dun. minsan nakakagat ko na daliri ko, pero masarap pa rin ang Pritos ring.

9. Meron kang pencil case na maraming pindutan.

- pinangarap ko lang yatang magkaroon nun dati. kung ikukumpara ko sa mga uso ngayon eh sabihin na nating kung meron kang ganon dati eh para ka na ring may laptop/notebook. Sa dami ng kayang gawin ng pencil case mo (maglabas ng pambura, pantasa, calculator, may 2nd floor pa kung saan pwede mong itago ang pinapalahi mong "kisses") eh di ka na matutulala habang wala si mam at ser.

Hay... itutuloy ko pa sana kaso nawala na yung listahan ko bago ko pa man matapos ang blog na to. ambuhay talaga oo, gnash.


nads on 4:03 PM
0 comments



kabilang nga ako. YEY!



teks sa kin to ng isang kaibigan. siguro gusto nyang kilalanin ko ang sarili ko. merong mga article na na sinulat kung paano mo malalaman na ikaw eh isang martial law baby, pero eto naman eh kung paano mo malalaman kung ikaw eh kabilang sa mga ipinanganak noong huling taon ng dekada '80 at unang taon ng dekada '90. eto na

1. Kilala mo sina shaider, bioman at masked rider black.

-tama! si alexis, ang pulis pangkalawakan, at si annie, ang babaeng sidekick pangkalawakan. Bioman, oo din. Pero napalitan doon si yellow four diba? simula noon di ko na sya sinubaybayan, ayaw ko ng may biglang binabago sa script (para bang mature ako mag-isip, eh uhugin pa ko nun, gang ngayon din yata *singhot* gnash! lakas ng erkon).

Di ko man tinapos ang bioman ayos na sa akin yung minsan napanaginipan kong isa ako sa kanila, di ko nga lang natignan kung anong kulay ako.

Mask rider black, ang bidang mahilig magpatunog ng knuckles (gang ngayon di ko pa rin alam ano sa tagalog ng knuckles, pde nyo bang i-comment sa shoutbox para nyo ng awa) na may kasama pang usok-usok. Kalaban nya si Gorgon, sa bioman si Dr. Man at sa shaider naman eh si Puma Leiar (Pooohmang Dhakila!! shigee-shigee.)

2. Alam mo ang commercial jingle ng "Nano-nano"

- batopkors! ang kending hindi matamis, at hindi menthol. gnash napabili ako nyan dati kala ko sing sarap ng strepsils (di rin ba kendi yon?) yun pala ibang klase sya gnash. Oo, kabisado ko pa nga eh:

Nano- nano (x5)
Nano nano, it drives me crazy,
I really love what it does to me.
Sweet, sour and salty
Nano-nano
Nano-nano
Nano-nanooooooo!!!!!
*palakpakan*

May ibang katono rin ang kantang yan... nahalata ko kasi simula noong natuto na kong maggitara eh may kakayahan na kong makasuri ng tunog. hehe, karamihan tugtog sa simbahan ang katono nya. Anong mga kanta kamo yon? mag-aral muna kayo maggitara at malalaman nyo Ü


3. Naglaro ka ng 10-20.

-ah, di gaano. pambabaeng laro yan diba. yung may garter tapos pataas ng pataas yung tatalunin mo at may mga steps pa kada numero. doon ko na lang yata nakabisado ang multiplikeshon tebol ng layn op tens. May mabuti din palang dinudulot sa isip ang larong yon.
at pag may na-dead eh kailangang sagipin ng "mother" sa pamamagitan ng pag-ulit-ulit ng steps ng laro mismo depende sa kung ilan sa mga "baby" nya ang na-dead. Minsan goma na lang na pinagdugtung-dugtong ang ginagamit kung kaya mabentang mabenta ang SAMSON rubber bands sa tindahan sa amin.

4. Alam mo ang universal song na "uwian na"

- hindi naman ito yung sa parokya ni edgar diba (inuman na). ito yata yung "ooooweeeann naa!!! ooowweeeaannn na!!" katono ito nung kantang pangkasal, pansinin nyo. Ginagamit ito sa mga pagkakataong sumusunod:

A. Kumiriring na ang bell ng eskwela at oras na para umuwi.
B. Binuhusan na ng tubig ng may-ari ng bahay ang lugar kung saan kayo ay nagteteks, tumbang lata, o 10-20 dahil sa sobra na kayong maingay at may natutulog pa daw sa kanila, kahit na alas diyes na ng umaga.
K. Umiyak na ang nabuburo/ nabababalagong sa nilalaro ninyong tumbang preso, taguan, o agawan ng tsinelas
D. Nanalo na at nagkamal ng limpak-limpak na teks ang kalaro ninyo. Punung-puno na ang kanyang tatlong kahon ng sapatos/ lata ng biskwit o laylayan ng t'shirt o sando. Itatakbo na nya lahat ng napanalunan pero minsan nagpapa-agaw naman ng konti (dun ako dyumodyoyn)
E. Tinawag ka na ng pamilya mo: kapatid, nanay, tatay, lola, lolo para kumain, maligo o magbihis dahil nanlilimahid ka na rin at puro banil ka na dahil sa kalalaro ng takbuhan. At dahil sa iyo nakasalalay ang lahat ng kalaro mo (lalo na kung ikaw ang balagong) eh uwian na nga.

5. Nagsayaw ka ng Macarena at Mr.Boombastic.

-tama, dagdag mo na ang ruggamuffin girl, o carol, at always. Pero maraming bersyon ang ginawa sa mga sayaw na yan eh. Bawat kontes yata kada istasyon sa TV eh iba ang steps. Parang ngayon din.
Nagsayaw ako, pero pag may berdey parti lang. O kaya bargeyn ng mga ninong at ninang ko bago nila tuluyang i-abot ang aguinaldo ko (na ipambibili ko lang ng batman)






abangan ang ikalawang yugto numero 5 - 10 Ü


nads on 3:14 PM
0 comments


Thursday, July 12, 2007
Lakad-lakad


alay lakad. familiar ba yung term? i recall several activities like these dati. Mga magulang ko kasi parehong nagtatrabaho sa public institutions kaya malimit ito dati. Parang naging campaign o kaya isang activity lang ng kumpanya. Sinasama nila ako, sa kanila eh alay lakad..sa akin eh alay karga. kasi pag pagod na ko kinakarga na ko ng tatay ko all the way hanggang matapos. Gang ngayon pala may alay lakad pa rin. Walk for a cause ika nga. Ano ba naman yung lalakad ka lang ng ilang kilometers diba?

Coño: "i hate to walk, pare."
Coña: "let's make sakay in the car na lang. That's why we bought it diba? yaya..."

Pero lam nyo ba na may magandang epekto pala yung paglakad-lakad mo ng kahit konti lang. May nabasa ako kung sa'n ang sabi eh "On flat terrain, a half-hour walk at a brisk pace can chew through 75 to 100 calories" o-ha! Saka ito na yata ang pinakasafe at pinakaaffordable na exercise in town, at di mo man alam eh ginagawa mo na ito... kahit na wala ka sa gym. Kelangan mo lang naman daw eh isang magandang pares ng walking shoes, pag bumili ka isuot mo na yung medyas na tipong pag maglalakad ka eh isusuot mo para best fit. Ang paa minsan hindi pantay ang laki, isukat mo pareho at maglagay ka ng allowance, mga singlapad ng hinlalaki mo, mula sa dulo ng pinakamahaba mong "toe" gang dun sa tip ng sapatos. Pero dapat di dudulas yung sakong mo kung ayaw mo magkapaltos. Kapag nga daw nasa flat na terrain ka lang eh up to 100 calories na ang mabuburn mo, pano pa kaya kung ang lupa sa inyo eh parang sa antipolo, o kaya sa fairview na pataas-baba diba? Pag gusto mo pa ng extra challenge eh sumali ka sa mga nagmomotocross o dirt bike, tapos sumama ka sa mga karera nila, pero di ka magmomotor, lalakarin mo lang yung buong circuit.

Kung gabi mo naman trip maglakad-lakad magsuot ka ng reflector o yung reflective na damit. Para naman hindi ka mahagit ng sasakyan baka akalain mo pa eh bumibilis ka lang maglakad eh ang totoo nakasampa ka na pala sa hood ng kotse. ingat ka rin sa mga masasamang loob, hindi lahat ng sasabay sa yo eh interesado ding magbrisk walk sa gabi, wag mo na planuhing magtayo ng club o asosasyon ng mga night walkers, kahit isang kaibigan mo lang yayain mo okay na yun. Uminom ka rin ng maraming tubig, bago ka lumarga at pagkauwi, wala ka sa gobi dessert para magtiis. Kapag naglalakad ka, wag kang pasuray-suray na parang lasing. Tignan mo din ang porma mo pag naglalakad. Proper posture din ang kailangan. Ituring mong may taling humihila sa ulo mo at balikat papaitaas. Wag kang yuyuko para di mangalay ang leeg mo. Kung kelangan mo tignan ang dinadaanan mo..o kung may pupu eh mata mo lang ang gamitin mo para silipin ang daan. Dapat kasi palaging deretcho ang tingin, maglalakad ka na nga lang eh ayusin mo na hehe. May ibang nagbibitbit pa ng dumbbells, Kung babae ka maganda yun, lalo na pag gabi.. para self defense

Goons: "Miss, holdap to..kah, kah ..(hingal)"
Ikaw na babae: " Haaiiyaaaahh!!!!!" todoinkz!

Kung lalake ka naman ayos lang din

Goons: "Boy, holdap to..kah, kah ..(hingal)"
Ikaw na lalake: " Kapten Barbell!!!!!!" todoinkz!

Sana nakatulong ang tips na yan. Sa mga gustong basahin ang article dahil di sila naniniwala sa kin eh eto ang link: lakad-lakad


nads on 11:23 AM
0 comments



War Freak!


war freak ba kong tao?.... hmmmm

ilang beses na ba kong nakipagrambulan sa tanang buhay ko... (nagbibilang ng daliri). Marami din pala, bata naman ako non, eh naalala ko dati konting asar lang eh umbagan na kagad..

Wally Boy: "Doon tayo sa basketball court! (nakasimangot)"
Nads: "Sige (mas nakasimangot)"

at magduduelo nga kami doon sa bilog sa gitna ng court. Yung mga kalaro namin nasa labas ng bilog nagpupustahan... teks ang taya. Palaban ako nun pero palaban ako sa maling dahilan.

Nads: "Ipaghihiganti ko yung G.I.Joe kawatan!" Pak! Bog! Tadyak! Sipa! Lipad

Matatapos ang laban..ako ang talunan. Bukod sa layo ng agwat ng edad ko sa edad ng kaaway ko eh narerealize ko sa bandang gitna ng paglipad ng mga kamao namin, na hindi naman sapat na mabangasan ako dahil lang sa isang pirasong laruan.

Ma Barker: "#$^%$^!!!! ka! Laruan lang pinadudugo mo labi mo..DAPA!!!!!"

....*sa mga nagtatanong... lola ko yan.

Isa pang match na natandaan ko eh nangyari medyo nung tumanda na ko ng konti. Mga grade 5. Sa pambubuyo ng mga klasmeyt ko inupakan ko yung sumingit sa linya namin. Kababawan na naman. Nanghihiram kasi kami ng komiks, i repeat, komiks. Yung komiks eh, glossy naman, full-color at imported from the US. Dahil sumingit sya sa unahan ko at sa mismong harapan ko pa ginawa ang pag-agaw sa sana'y binabasa ko na na komiks eh lumipad na naman ang mga suntok.


Nads: "Hoy!"
Singitero: "Bakit?"
pak! tog! pok! lipad, tumba

Natapos yon ng hindi ko na rin nabasa ang komiks. Nakumpiska sya ng adviser namin at kaming dalawa eh nireport sa prefect of discipline. May case letter ka na, may bukol ka pa. Sinigurado ko naman na hindi halata sa bahay ang pangyayari pag-uwi, awa ni doc eh umimpis naman ang bukol ko bago pa man magdismissal

Feeling ko sikat ako dati pag lumalabas ako sa kalye ng may bandaid sa noo, pisngi o sa knuckles (ano ba sa tagalog yon?) pero di pala, magpepeklat lang pala yon. At di sya pamporma kahit gumamit pa ko ng checker strips na blue. Sa mga aksyon movies lang magandang tignan yon, for cinematic purposes, napupunasan din at natatanggal ang make up afterwards. Pero sa totoong buhay eh hinde.

Ang mga war freak bumabagsak sa mga patpat ni lola, sa principal's office, guidance office, sa baranggay o kaya sa kulungan. Yoko namang mapunta don. May isa na kong kaklase na nakita kong nakaposas at hindi magandang eksena yon. Pero kwento ko na lang yon next tym. Sa ngayon yoko na ng umbagan, suntukan, tadyakan o kung ano, usap na lang.... kung makakausap nyo ko hahahehehe. Gnash!


nads on 10:25 AM
0 comments



What have they done to my home?!



pagkalog-in ko sa friendster isang umaga akala ko na-hack na yung account ko... (paranoid, kasi kakanood lang ng diehard 4.0). Naiba kasi yung dating plain lang na background ng homepage ko.Gnash!

Sino-sino ba yang mga taong yan? At anong ginagawa nila sa background ng home ko...gnash! Tapos nakita ko yung add sa tabi Smart C Me. Lalong Gnash, globe ako eh.

Pero, in fairness, maganda ang die hard ... no wonder yung mga magulang ko dati eh ginagawa nilang "date movie" yun. Bruce Willis still rocks at age 52. steeg! watch it...lalo na pag nasa IT ang field of work mo (programmer, software eng'r, web design..etc) you'll love it, you might also realize some good points..and bad points tungkol sa pinasok nyong field. kwento ko na lang next tym ung ibang detalye.


nads on 9:25 AM
0 comments


Monday, July 9, 2007
Kwentong Pambata


Superman... self imposed idol yan sa kin ng mga magulang ko...kitang kita naman sa picture diba
bata pa man ako superman na ang damit ko. yeees.... pero yung cake ko nyang bday ko na yan eh spiderman. tapos i can still recall, gabi yan ginanap. Wow, a children's party na ginanap ng alas sais ng gabi? yup, la pa naman kasi akong friends gano na maiinvite non at yung nanay ko eh mga ganung time pa dadating from work kasama ang mga ninong at ninang ko..na sila na ring guest ko.. of honor.

Strength, vision, flight and speed. features ni superman yan, versus me with poise, bearing, good looks at humble pa. hehe. Di ko naman talaga idol yan, wala nga akong mapinpoint na superhero pag tinatanong ako kung sinong favorite ko kahit noon pa man.

Wallyboy: "Oh, laru tayo ng superhee-superhero-han, ako si Poodong. Kaw sino ka?"
Nads: "Si...si..."
Wallyboy: "Oh ok, game na..ma-aleeeess...."

Anu kaya yun, eh di naman superhero si Poodong, kaaway kaya yon sa Julio't Julia, alagad ni Reyna Dowager.

Kelan ko lang naging paborito, ng konti, si Batman. Imposed na naman ng magulang ko yan. Bilhan ba naman ako ng laruan na batman eh...mga dalawa. Maingat naman ako sa laruan eh. May kapa pa yun na tela, as in, tela talaga, kaya ako naaliw. Kapag nilalaglag ko sya mula sa mezanine ng bahay namin eh tinatangay ng hangin yung kapa nya...steeg tignan, kaya ko naging favorite yun. Bumili pa ko ng isa, peke, pero ganun na ganun ding edition ng batman at pag naglalaro ako gamit ang mga yon, parang melodrama na, may kakambal na si batman, yung evil twin nya. Kumupas kupas na yung pintura at nabali na yung paa bago ko tuluyang iniwan si Batman (huhuhu) SLNW

Si Popeye naman yung pinagdiskitahan ko. Nalibre pa yun sa kiddie meal ng Jollibee. Meron akong Popeye at saka Bluto, na ang tawag ko pa eh Brutus. Yon pwedeng basain sa tubig dahil gawa sa rubber. Kaya pag naliligo ako (sa timba) eh kasama ko sila, nung lumaki na ko at di na ko kasya sa timba eh sa batya ko naman sila naging ka-vibes. Nang masira ang kamao ni Popeye (dahil sa kasusuntok kay Bluto) eh sinaksakan ko yon ng double-A na battery O-ha! edi may Rockman na ko ..steeg. At ngayon, tumuturit na talaga si Bluto kapag inuumbag sya ni Popeye. Medyo di maganda ang amoy ng rubber bath toys pag nakulob..based on experience. Kaya binibilad ko sila sa bubong pagkatapos ko sila gamitin, at yon na rin ang ikinasira nila, ang matunaw dahil sa sobrang init ng araw.


Isa sa mga sarili kong binili at pinag-ipunang laruan eh yung ninja turtles ko na nakasakay sa motorcycle. Nasira yung pullback na motorcycle pero buhay pa rin yung ninja turtle kaya nalalaro ko pa rin sya. Yun nga lang lagi syang naka pormang parang nagmomotor, nakapwesto ang kamay at nakabukaka. Sinasakay ko sya madalas sa ulo ni Bluto. Parang transformers ang dating. Dahil may butas sya sa kamay eh maari mong ipasok ang kahit ano sa pagitan noon: tingting, barbeque stick, tali, paperclip, posporo at iba pang pwede nyang maging improvise na weapon laban kay Bluto. Si Bluto na kawawa dahil sya lang ang villain na meron ako. Nang mauso ang Star Wars eh nagsilbing Yoda naman si ninja turtles, look-alike naman eh.

Dalawang G.I.Joe lang ang meron ako, hindi pa sila mga kilala. At kahit ako nga eh hindi ko maisip na laruan pala sila na pambata. Meron kasing bigote at balbas yung isa, yng isa naman eh kalbo. Pero nakakatuwa sila dahil pag binatak mo sila eh meron silang goma sa loob na nagkokonekta ng lower half sa upper half ng katawan nila. steeg! kala ko nung una meron silang intestines. Ano bang espesyal sa kanila, maliban sa mukha silang mature? Mabilis silang nawala. Naihagis ko lang sila sa likod ng aparador tapos nagvolunteer yung kalaro ko na sya na ang kukuha, di nya na nakuha..o-ha Magic! Nawala ng ang G.I. Joe, at di na rin nagpakita ang kalaro kong yon.


itutuloy ko na lang ang pagpapakilala sa inyo sa mga unique yet not so peculiar na laruan ko sometime, ituloy natin tong kwentong pambata na to. Saya. Susunod transformers naman saka kotse-kotsehan.






nads on 4:11 PM
0 comments



Bored

naranasan mo na ba yung tumunganga lang at ngumatngat ng ballpen...? Naging libangan ko yata yun nung elementary ako as far as i can remember sira lahat ng takip ng panda ballpen ko dahil nginatngat ko na lahat. At least pag nagkawalaan o kaya may nakalimot magbalik eh kaya kong i-identify kung alin yung akin.

Teacher: "So alin yung iyo dito ulit?"
Nads: "Yung mayngatngat po yung takip."
Teacher: "Ah, ito bang may laway-laway pa?"
Nads: "Di po, sa inyo po yan ma'am. Yung may ngatngat lang yung akin."
ew.

Marami pa kong kung anu-anong naging habits at mannerism dati, siguro its part of growing up nga, o minsan it's sort of a disorder. Kung trip mo maglaro ng paperclip sa desk mo ayos lang yon. Pero kung libangan mong makipag-"apir!" sa mga ipis sa likod ng microwave eh ka-adikan na yon. Naranasan ko din maglaro ng ballpen at gawin itong balisong (o kaya nyo yon?) Yung igogoma mo yung dalawang ballpen tapos iti-twist mo at pag binitawan mo eh siguradong magwawala yon at tatalon-talon sa ibabaw ng mesa mo, yun nga lang pag lumuwag na yung goma kakaikot mo eh di na sya epektib, mabagal na ang ikot at yun na yung time na para syang "balisong"



Maglagay ng piso sa noo. Tapos gugusutin ko yung mukha ko para maipadulas pababa yung piso tapos papapasukin mo sa bibig mo sabay sigaw ng Finish! Maayos pa yon nun, nung di pa kaliitan yung barya, ngayon delikado na lalo dahil baka pagkapasok sa bibig eh malunon mo't di lang ang laro ang ma-finish sa yo. Sa ngayon eh nalaman kong may eternal consequences pala ang pagkarera ng piso sa mukha, mas naging gusutin kasi ang mukha ko eversince. Okey sa olrayt din yung pagdo-drawing. Safe pa. Mas madedevelop pa ang creativity. Naalala ko madalas kong idrawing ang titser ko na may buhok na ahas at paa ng isda sabay may nametag pa. Pero ng makita yon ng titser ko eh napromote pa nga ko at sa harap na ako pinaupo simula noon. Special attention tuloy ang natanggap ko.
Mag-flames. Yan na yata yung pinakarealistic at makabuluhang libangan kong natutunan, ang magmatch ng parehas na letra sa pangalan ko at ng crush ko. Pag hindi napunta sa gusto kong letra eh saka ko isasali ang middle name ko, para sakali eh mag-iba ang kapalaran. Marami din akong naging ka-love team dahil doon. Marami din akong naging kaaway at karibal. Grade four pa lang ako pero love triangle na ang pinuproblema ko. "Nay, sana iba na lang ang pangalan ko, o kaya dinagdagan nyo ng isa pang letra."

Pag bored ako, inaalala ko lang ang mga bagay na yan at matutuwa na ako. Di ko naman kailangang ulitin pa ang mga yon. Nakakatuwa lang silang balikan bilang ala-ala. Na minsan, batang musmos pa man ako, maexperience ko na pala ma-bore sa buhay.


nads on 1:33 PM
0 comments


Friday, July 6, 2007
Nanalo ako?

nanalo daw ako sa raffle...


may bumulaga s akin na text kaninang umaga lang at ito ang sabi:
wenkwenk.. dudugain pa ko ng mga ito.. wala na nga kong pera, isasalisi pa ko ...mautak to no, amoy ko kung may scam o wala. It's too good to be true. Aside sa wala naman akong sinasalihang raffle contest eh galing lang sa isang cellphone number ang message na yan (eto yung number kung gusto nyo syang ipaIMBESTIGADOR hehe 09053414151.



Mahirap na yung nananalo ka bigla ng hindi mo alam, although yung iba gusto ng ganun, instant jackpot. Eh, pano kung ang napanalunan mo eh mga bagay na ayaw mo? Isang taong supply ng deodorant na pambabae (eh kung lalake ka at wala ka namang BO), o kaya kitchen showcase...katutubo style! mga kawayan, lifetime supply ng panggatong, sandok, syanse, yantok, arnis at kung ano pa pati kudyapi isama mo na.

Marami na rin kasing binabalita tungkol sa mga scam, engot na lang ako kung kakagat ako dito.
Ang gagawin nila, imimit ka sa mga sosing lugar...Ayala, Makati, mga coffee shop, restaurants. Tapos bago mo makuha yung "premyo" mo eh magbabayad ka muna, nakalimutan ko kung ano yung tawag, pero may babayaran ka pa nga. Tapos may kukunin kunwari, o kaya, iwiwithdraw daw muna yung pera sa ATM at iiwan ka...hanggang mabulok ka na sa kakangawa. Yan ang scam.

Eh kung kagatin ko kaya, one-time lang, tapos magpamedia ako ahahay! exposure yon!

Mike Enrikez: "Narito po at kakapanayamin natin si N-Nads G-Gawat Ekskyusmi po ser, totoo bang nabiktima kayo ng iskam?"
Ako: "Yes, mike. (with matching beautiful eyes and posing-posing pa)

Tapos ipapain nila ako, magdadala ako ng marked money, tapos pag nasa kamay na ng kalaban ang pera lalabas bigla ang SWAT, Wow! ala DIE HARD 4.0 may hellicopter pa.

"Arestado KA!"
ten-ten-ten-ten-te-ne-nen (IMB soundtrack plays on cue)


Pero kung tutuusin, di ko na lang dapat pinagpapapatulan ang ganitong mensahe, yung hindi ko pagrereply eh nakabawi na ako sa kanya hehe...eh pano kung nakaunli sya?...hmmm....di ko naisip yon ah.


nads on 10:32 AM
0 comments



kwentong barbero

kahit medyo maiksi pa ang buhok ko i decided na magpagupit na... trip lang. subukan ko lang
ang galing ng barbero, ano kayang reaksyon nya pag may magpapagupit sa kanya na hindi naman mahaba pa ang buhok...

"OMG!"
"malamang....kalbo ang gusto nito...next!"
"san kaya nila tinatago yung hidden camera..."

Para kasing gusto ko magtry ng ibang hairstyle, andami na kasing nauuso ngayon ni hindi ko man lang masubukan, so pumunta ako sa isang barberya, kingdom animalia yata ang pangalan nun...joke, nagulat ako dahil most of the barbers eh bading. Pumunta ako sa
receptionist at saka naghanap ng catalog...kelan ko lang natutunan na maghanap ng catalog,
akala ko kasi yung mga picture sa loob ng isang barberya eh mga larawan ng mga gupit na di mo pwedeng gayahin. Nginitian ako ng babae (so dalawang uri ng tao ang employees don, babae at bading) tapos may inilabas na photoalbum at binigay sa kin." Sir sa bandang hulihan lang". Naupo ako saka binuklat ang album, puro cutout picture ng mga babae mula sa mga magazine ang nakadikit, parang art project sa Ricky Reyes Institute.

Mama Ricky: "ok, class ang activity ngayon ay ang paggawa ng catalog, dala nyo
ba ang mga luma ninyong koleksyon ng cosmo, metro at FHM magazine
Studeynts: "yes, mama"
Mama Ricky: "Ok, let's get it on!"

Mga 3/4 na ng album ang natatapos ko pero wala pa ring picture ng lalaki. Nang marating ko yung last page, ayun! nandito pala sya. Isang page lang, hindi pa back-to-back. at iilan lang
ang pagpipilian, puro pa pang-punk, yun bang mahahaba yung bangs, may ragged photo pa ni toby maguirre, maganda sana kaso di naman ako balbas sarado. Oh well, paiiksian ko na lang para pwede kong suklayin ng patayo. napansin ko habang naghihintay ng aasikaso sa kin, may TV pala dito, channel 2 ang istasyon, ang pinapanood nila: walang kapalit (wala pa bang kapalit yan?)...abah, tumitigil pala ang oras dito kapag naka-on ang programa. Tigil ang gupitan, parang holiday. Malamang mastershowman na ang palabas bago nila ako maisipang
gupitan sa palagay ko.

Di naman nagtagal ang gupit ko, mas mahaba pa kamo ang inintay ko. Ayos naman yung gumupit sa kin, patatayuan ko sya ng monumento hehe sabi ko "Yung maiksi po" "Boy, wala ng iiiksi pa ang buhok mo, parang gusto mo naman akong gawing bayani nyan eh" Hinayaan ko na lang si manong (na kulot ang boses) na upakan ang buhok ko. At presto! same-old- brand-new look. kwarenta pesos lang ang nagastos ko wehehe, dito na lang siguro ako magpapagupit ulit sa susunod.








nads on 9:10 AM
0 comments