/*
*/

Monday, August 6, 2007
hopeless thematic

medyo "tamang-thematic" ako ngayon. August na kasi (anong konek?)
kaya iikot ang blog ko sa mga temang malungkot, di naman ako suicidal, maige naman na paminsan-minsan eh di gaanong ganun kasaya, ika nga, di naman araw-araw ay pasko. Kung may makikidalamhati sa kin, salamat, kung wala salamat pa rin sa pagpapatibay ng tema ko, pero di pa rin magbabago ang trip kong tema ngayong buwan.

sabi ng mga psychologist (mga sikoloki-,skolo-sikokolo- ah basta) repleksyon daw ng kung ano ang nasa loob ang nailalabas o naipapahiwatig ng isang tao sa panlabas. Sa akin mabuti na lang at hindi ako ganung tao (psychological), kung ano lang ang gusto ko gawin, gagawin ko. Sa isang banda, sinabi sa isang issue ng reader's digest na sa mga lugar katulad ng internet eh maraming lumalabas ang totoong pagkatao... marami din namang nagmamaskara. Nasa atin na lang ang pagpapasya kung gaano natin talaga kakilala ang isang tao.

Maraming tatamaan, maraming matutuwa, pero para sa kin, ito lang ang napagdesisyunan kong tema.


isang umaga...
Nads: (pupungas-pungas pa ang mata, titingin sa kalendaryo) agosto na pala, tag-ulan, makulimlim, malungkot. Sabayan ko kaya ang panahon....okey lang kaya....hmmmm.....

...and the rest is history...


nads on 10:22 AM