/*
*/

Monday, July 16, 2007
be proud to be pinoy


umaatend naman din kayo ng mga seminar diba? mga symposium, lecture.."oo, pag required." napadalo ako kailan lang sa isang PTA...yapyap, PTA as in parents-teachers association na miting. di naman ako magulang, di naman ako guro, di naman lalo ako asosasyon.. eh anong ginagawa ko dit? napaisip tuloy ako. Ahhh... ako pala yung operator ng LCD projector na gagamitin. Madali lang naman yun, pindot-pindot lang. Ang kinatuwa ko lang eh yung pagkanta ng nasyonal antem. matagal-tagal na rin simula nung huli akong nakapag-plag seremoni, hayskul pa yata yun, nung kolehiyo tuluyan ng wala akong inabutang ganun.

kau-kausap ko yung nag-ayos ng takbo ng programa tapos pinakita nya sa kin yung mga kelangan kong iprodyek at kung kelan ko ipapalabas ang mga yon.

Jo: "Eto yung sa invocation...picture lang yan."
Nads: "Oks."
Jo: "Eto yung sa national anthem, primary colors lang.... hmmm... dinagdag ko na rin yung lyrics para safe."

Para safe?

anu kaya yun?

Napansin ko nga, nung tumugtog na yung lupang hinirang at prinodyek ko na yung liriks eh mas marami yung kumanta... ngapala, minus-one kasi yung track kaya kung walang kakanta eh wala lalong kwenta. puro tunog lang. kahapon nakapanood ako ng las pul syo sa sinehan, syempre merong national anthem na parte doon bago magsimula ang palabas, nagkakahiyaan pang tumayo, tatayo na lang nga di pa magawa agad, gnash!

bakit tayo ilang kumanta, tumayo at magbigay-pugay sa watawat? dahil ba masyado tayong bata? dahil ba masyado na tayong matanda? o dahil pinoy tayo? dahil gusto ko lang makatulong, eto ang ilan sa mga suhestyon na posibleng magawa para lalong maging parte ng ating buhay watawat, ang pambansang awit at iba pang sumisimbolo sa ating pagka-pilipino sa simpleng paraan:






UNA. bumili ng maliit na replika ng watawat ng Pilipinas, mga 2"x5" at idikit sa dulo ng straw ng inyong iniinom. sa gayong paraan kada higop ninyo ay maaalala nyo na sa bawat mililitro ng inuming iyon ay nabigyan nyo ng kita ang mga manggagawang pinoy sa mga pabrika ng sopdringks. isabay sa pagdighay ang pagsigaw ng "mabuhay ang pilipinas".







PANGALAWA. gawing ring-tone sa cellphone ang lupang hinirang. tandaang ilagay palagi sa LOUD o ASCENDING ang tono. makakatulong ito lalo na kung siksikan at walang maupuan sa loob ng isang pampublikong sasakyan. I-play lamang ang lupang hinirang na polytone at hintaying magsitayo ang mga pasahero. pasimpleng humanap ng gustong pwesto bago tuluyang matapos ang kanta. Mainam ito sa mga bata, matanda, mga babae at mga nagdadalantao.












PANGATLO. sa tuwing magkakatay ng manok o baboy para lutuin (abiso sa mga matador) magsuot ng kostyum na pangkatipunero, isama na rin ang sumbrerong yari sa buri na may titik na "KKK". At sa pagkatay, alalahanin kung papaano ipinaglaban ang ating kalayaan laban sa mga kastila. makakatulong din na lagyan ng damit na pambanyaga ang baboy o manok para mas maging riyalistik. (paalala: huwag turuang humawak ng sandata ang mga hayup)











PANG-APAT. nabutas ba ang damit? kailangan bang tahiin? bago manahi magsuot ng baro't saya at umupo sa isang tumba-tumba gaya ng mga nakikita natin sa mga magagarang painting. paupuin ang mga apo sa sahig para sa karagdagang sinematograpi at magkwento tungkol sa giyera. kapag nasulsi na at hindi pa tapos ang inyong kwento, lagyan muli ng punit at magsulsi ulit. isiping ikaw si tandang sora.





PANLIMA. madalas ka bang mag MRT? naiinis ka ba sa pa-southbound na Cubao dahil sa mga sumisiksik na tao kahit punung-puno na ang tren? ganito ang gawin, bago pa man dumating sa Cubao (hal. nasa kamuning station pa lang ) yayain ng magkapit-bisig ang mga tao na nasa loob na ng tren. Yayain silang magkaisa gamit ang isang megaphone. magtali ng dilaw ng good morning towel sa ulo at ipormang parang titik "L" ang daliri sa kamay. Makakatulong din na isiping nasa EDSA talaga kayo.




Kung tutuusin hindi naman magiging mahirap dapat para sa atin ang gawin ang mga ito. Magiging endyoyabol pa nga ito lalo na kung isasama ang buong pamilya. magsaya at magdiwang. be proud to be pinoy.






nads on 10:05 AM