/*
*/

Thursday, July 12, 2007
War Freak!


war freak ba kong tao?.... hmmmm

ilang beses na ba kong nakipagrambulan sa tanang buhay ko... (nagbibilang ng daliri). Marami din pala, bata naman ako non, eh naalala ko dati konting asar lang eh umbagan na kagad..

Wally Boy: "Doon tayo sa basketball court! (nakasimangot)"
Nads: "Sige (mas nakasimangot)"

at magduduelo nga kami doon sa bilog sa gitna ng court. Yung mga kalaro namin nasa labas ng bilog nagpupustahan... teks ang taya. Palaban ako nun pero palaban ako sa maling dahilan.

Nads: "Ipaghihiganti ko yung G.I.Joe kawatan!" Pak! Bog! Tadyak! Sipa! Lipad

Matatapos ang laban..ako ang talunan. Bukod sa layo ng agwat ng edad ko sa edad ng kaaway ko eh narerealize ko sa bandang gitna ng paglipad ng mga kamao namin, na hindi naman sapat na mabangasan ako dahil lang sa isang pirasong laruan.

Ma Barker: "#$^%$^!!!! ka! Laruan lang pinadudugo mo labi mo..DAPA!!!!!"

....*sa mga nagtatanong... lola ko yan.

Isa pang match na natandaan ko eh nangyari medyo nung tumanda na ko ng konti. Mga grade 5. Sa pambubuyo ng mga klasmeyt ko inupakan ko yung sumingit sa linya namin. Kababawan na naman. Nanghihiram kasi kami ng komiks, i repeat, komiks. Yung komiks eh, glossy naman, full-color at imported from the US. Dahil sumingit sya sa unahan ko at sa mismong harapan ko pa ginawa ang pag-agaw sa sana'y binabasa ko na na komiks eh lumipad na naman ang mga suntok.


Nads: "Hoy!"
Singitero: "Bakit?"
pak! tog! pok! lipad, tumba

Natapos yon ng hindi ko na rin nabasa ang komiks. Nakumpiska sya ng adviser namin at kaming dalawa eh nireport sa prefect of discipline. May case letter ka na, may bukol ka pa. Sinigurado ko naman na hindi halata sa bahay ang pangyayari pag-uwi, awa ni doc eh umimpis naman ang bukol ko bago pa man magdismissal

Feeling ko sikat ako dati pag lumalabas ako sa kalye ng may bandaid sa noo, pisngi o sa knuckles (ano ba sa tagalog yon?) pero di pala, magpepeklat lang pala yon. At di sya pamporma kahit gumamit pa ko ng checker strips na blue. Sa mga aksyon movies lang magandang tignan yon, for cinematic purposes, napupunasan din at natatanggal ang make up afterwards. Pero sa totoong buhay eh hinde.

Ang mga war freak bumabagsak sa mga patpat ni lola, sa principal's office, guidance office, sa baranggay o kaya sa kulungan. Yoko namang mapunta don. May isa na kong kaklase na nakita kong nakaposas at hindi magandang eksena yon. Pero kwento ko na lang yon next tym. Sa ngayon yoko na ng umbagan, suntukan, tadyakan o kung ano, usap na lang.... kung makakausap nyo ko hahahehehe. Gnash!


nads on 10:25 AM