Monday, July 9, 2007
Bored
naranasan mo na ba yung tumunganga lang at ngumatngat ng ballpen...? Naging libangan ko yata yun nung elementary ako as far as i can remember sira lahat ng takip ng panda ballpen ko dahil nginatngat ko na lahat. At least pag nagkawalaan o kaya may nakalimot magbalik eh kaya kong i-identify kung alin yung akin.Teacher: "So alin yung iyo dito ulit?"
Nads: "Yung mayngatngat po yung takip."
Teacher: "Ah, ito bang may laway-laway pa?"
Nads: "Di po, sa inyo po yan ma'am. Yung may ngatngat lang yung akin."
ew.
Marami pa kong kung anu-anong naging habits at mannerism dati, siguro its part of growing up nga, o minsan it's sort of a disorder. Kung trip mo maglaro ng paperclip sa desk mo ayos lang yon. Pero kung libangan mong makipag-"apir!" sa mga ipis sa likod ng microwave eh ka-adikan na yon. Naranasan ko din maglaro ng ballpen at gawin itong balisong (o kaya nyo yon?) Yung igogoma mo yung dalawang ballpen tapos iti-twist mo at pag binitawan mo eh siguradong magwawala yon at tatalon-talon sa ibabaw ng mesa mo, yun nga lang pag lumuwag na yung goma kakaikot mo eh di na sya epektib, mabagal na ang ikot at yun na yung time na para syang "balisong"
Maglagay ng piso sa noo. Tapos gugusutin ko yung mukha ko para maipadulas pababa yung piso tapos papapasukin mo sa bibig mo sabay sigaw ng Finish! Maayos pa yon nun, nung di pa kaliitan yung barya, ngayon delikado na lalo dahil baka pagkapasok sa bibig eh malunon mo't di lang ang laro ang ma-finish sa yo. Sa ngayon eh nalaman kong may eternal consequences pala ang pagkarera ng piso sa mukha, mas naging gusutin kasi ang mukha ko eversince. Okey sa olrayt din yung pagdo-drawing. Safe pa. Mas madedevelop pa ang creativity. Naalala ko madalas kong idrawing ang titser ko na may buhok na ahas at paa ng isda sabay may nametag pa. Pero ng makita yon ng titser ko eh napromote pa nga ko at sa harap na ako pinaupo simula noon. Special attention tuloy ang natanggap ko.
Mag-flames. Yan na yata yung pinakarealistic at makabuluhang libangan kong natutunan, ang magmatch ng parehas na letra sa pangalan ko at ng crush ko. Pag hindi napunta sa gusto kong letra eh saka ko isasali ang middle name ko, para sakali eh mag-iba ang kapalaran. Marami din akong naging ka-love team dahil doon. Marami din akong naging kaaway at karibal. Grade four pa lang ako pero love triangle na ang pinuproblema ko. "Nay, sana iba na lang ang pangalan ko, o kaya dinagdagan nyo ng isa pang letra."
Pag bored ako, inaalala ko lang ang mga bagay na yan at matutuwa na ako. Di ko naman kailangang ulitin pa ang mga yon. Nakakatuwa lang silang balikan bilang ala-ala. Na minsan, batang musmos pa man ako, maexperience ko na pala ma-bore sa buhay.