/*
*/

Friday, July 13, 2007
kabilang ako. YEY! ikalawang yugto

6. Alam mo ang ibig sabihin ng "time first"

- ibig sabihin nyan ay "teka muna", na pwede namang nanggaling sa mas mahabang salitang "hintay ka muna" wala kasing salitang teka. Isa yang pribilehiyo sa gitna ng laro: para magpahinga, magpalit ng damit, uminom ng tubig, magwiwi at sa mga nakakatanda eh manggulang.
ginagamit din ito pag kelangan mong mag-isip ng istratehiya sa langit-lupa at moro-moro o mataya-taya.

Wally Boy: "huli ka na!!!! taaa-...."
Nads: "Taym pers!"
Wally Boy: "isa...dalawa...."
Nads: "bantay pares..doble taya! bantay pares..doble taya!!"

7. Alam mo na importante ang "Period, no erase!"

- pag sinabi yan eh parang wala ka ng magagawang iba para baguhin kung ano man ang napagdesisyunan. Parang salitang "SAVE!" na nakasulat sa blackboard na may nakalistang "noisy at NIPS"

Wally Boy: "huli ka na!!!! taaa-...."
Nads: "Taym pers!"
Wally Boy: "isa...dalawa...."
Nads: "bantay pares..doble taya! bantay pares..doble taya!!"
WAlly Boy: "tatlo...apat..."
Nads: "bantay pares..doble taya! bantay pares..doble taya!!...Period, no erase!!!"
Wally Boy: "takte..."(sabay hanap ng ibang matataya)

8. Nilalagyan mo ng Pritos Ring ang bawat daliri mo sa kamay.

- ah Pritos Ring, yung kulay pula. da best. Oo, may kakarampot nga syang butas sa gitna, kaya sya naging unique. Ginagawa pang singsing nga yan dati, dahil nun lang nakakasya ang daliri ko dun. minsan nakakagat ko na daliri ko, pero masarap pa rin ang Pritos ring.

9. Meron kang pencil case na maraming pindutan.

- pinangarap ko lang yatang magkaroon nun dati. kung ikukumpara ko sa mga uso ngayon eh sabihin na nating kung meron kang ganon dati eh para ka na ring may laptop/notebook. Sa dami ng kayang gawin ng pencil case mo (maglabas ng pambura, pantasa, calculator, may 2nd floor pa kung saan pwede mong itago ang pinapalahi mong "kisses") eh di ka na matutulala habang wala si mam at ser.

Hay... itutuloy ko pa sana kaso nawala na yung listahan ko bago ko pa man matapos ang blog na to. ambuhay talaga oo, gnash.


nads on 4:03 PM