/*
*/

Monday, August 6, 2007
disbandment

maraming naging saksi sa pag-uumpisa, paglaki at pagsikat ng bandang ito. Idol ko sila. Minsan pag trip kong sumulat ng kanta... siguro pag inspired... eh sila ang iniisip ko. Pano kaya nila isusulat ang kantang nasa isip ko at sa paanong style nila ito aawitin at tutugtugin. Sila ang inspirasyon ko ng mahigit dalawang dekada. Hindi pa ako marunong tumugtog ng gitara eh idol ko na sila. Pero recently, I read in the inquirer website a very shocking and sad news. Rico has departed from Rivermaya. Gaya ng maraming bandang sumikat at nawala dahil nawala ang bokalista ganun din ang kinahantungan ng bandang idol ko. Malamang magpapa-private audition sila for a new lead singer o kaya parang reality star search..uso naman yung ganung gimik ngayon. Pero they'd have to look for someone who's brimming with creative juices and music genius like Rico. Naunang incident na yung pag-alis ni Bamboo, and the band survived that. Di ko lang alam pano nila luluksuhin tong isang to. Dalawa lang naman yan diba? Either Rivermaya will be transformed...magiging StreamMaya, o RiverPipit, o madidisband na ng tuluyan. Pero naalala ko di yun gumana with the e-heads. Anyways, time will tell.


nads on 10:34 AM