/*
*/

Monday, August 6, 2007
aray

aray koh pooh bear!!!!!!!!!!

nagkasugat ako sa paa... sinlaki ng munggo... hopiang munggo... mali kasing medyas yung nasuot ko nung nakaraang pumasok ako ng opisina. Nilalakad ko pa naman lang yung mula MRT Ortigas hanggang TEKTITE....Araw-araw. Masakit na sya bago pa ko makauwi at nung tinignan ko nga eh may dugo sa medyas ko. Akala ko isa na itong Stigmata, hindi pala, di rin pala sya bagong sugat. Yung dati na pala yun. Natuklap lang yung tuyong balat ng wala sa tamang panahon kaya nagdugo ulit. Kala ko ba time heals all wounds. Di pala, lalo na kapag di pa naghihilom eh kinutkot na agad. Mas lumalim, mas sumakit. Gagaling din naman pero di agad-agad. grr. gagaling na sana eh.

Buti na lang sugat sa labas, pano kung sugat sa loob. Yung di nagdudugo.
Yung mahirap malaman kung gumagaling ba o hinde. Mahirap na sitwasyon yun.

kaw, nagkasugat ka na ba?


nads on 10:32 AM