Thursday, August 23, 2007
Utter a Prayer
My boss was driving us to La Salle greenhills the other day... nope, di ako dun nag-aaral, Pathways Seminar kasi dun. Umuulan ng malakas na malakas. If they said the gov't was doing cloud seeding, I think that one is the harvest. Anyhoo, from out of the blue I uttered the
the CROSSROADS
"nads, bro. frank to. Pde ka ba magbigay ng talk sa crossroads dito sa campus namin""sure bro." I replied
Now, there are several reasons why i accepted the invitation. For one thing, it's a retreat, I love retreats, i love experiences of God like that. Second, able naman ako, i love giving presentations. Third, he's francis iturralde..the name, the man, the..owryt, you probably got the point already. I was informed that there's going to be 2 batches in that retreat, bele dalawang course na sabay namin bibigyan. Very well, ayos lang siguro yon. Nagserve ako sa
The boys in my group, mga 4 sila, were all good boys. Maloko nga lang katulad ko. Freshmen sila kaya siguro ganun, hyper. Sinabi ko din sa kanila yon na tingin ko mababait naman silang mga bata. Okay na sana pero nagcomment yung isa "kasi kuya wala pa yung master namin dito. yun malamang kelangan ng walong retreat ng taong yon." at sumang-ayon naman yung tatlo pang iba.
1. Parang nakita ko na ang mukha nito sa TV, sa TV patrol.
2. Kahawig nya yung nasa carthographic sketch sa presinto sa min.
3. May tatoo sya ng pangalan nya. Ah matanda na nga. Nakakalimutan na nya siguro at kelangan nya ng notes.
Call it human nature or prejudism pero the moment I saw him alam ko sarado ang puso ng taong ito. Probably he's running his own life his own way for too long. Maybe he never
I remember what bro. frank had always told these guys: the success of a recollection depends on how you treat it. It is what you make it. you give it 10%, you receive 10%. If you give it all, you will receive fully also. Which only clears that God's unlimited power to work in our life is so limited by our response. I didn't really know if he will even remember anything we've said thru the presentations nor can i tell what's in his heart all that time. But it gives me peace of mind and heart to know that God has really given us the freedom to make choices
na-tag ako...

hmmm..... let's start. 1. I have an all purpose, ever reliable BODY CLOCK. no matter how late i sleep on a certain night and how early i should be getting up the following morning i always wake up at the right time... mas maaga pa. kasi determined. Mabibilang mo sa daliri mo ang mga times na na-late ako for something: appoinment, klase, gimik. Siguro dahil na-trauma ako nung elementary ako na pinapunta ako sa harap ng klase tapos sasabihin "Classmates, (in my sobrang tining na kiddy voice) sorry i'm late". Eversince, 15 to thirty minutes na kong maaga for anything.
2. FAN ako na HINDE. i can never really stick on to something that i like (things, movies, personalities, toys, books). those are just "passing" things for me. Kahit siguro mga ilang linggo o buwan eh aliw na aliw ako sa mga bagay/ tao na yon, makalipas ang panahon na yon eh di ko na sila nakagigiliwan. Nothing I can be known or remembered for naman. Extra effort ang kailangan para masustain ko ang aking pagiging fan...kung balak ko maging, eh hinde, mas gusto ko ako yung may fan. harhar
3. I stroll a lot. I would never ride a jeep/tricycle kung kaya ko naman sya lakarin. I just enjoy the walk, enjoy the scenery, cherish the moment (alone or not). Hanggang sa maligaw ako. That's why kawawa din ang sapatos ko sa akin.
4. I always wondered "Is it a blessing or a spell that I always found myself as the only male in a group". Be it at school kapag projects, or just being in a group setting, most often i'm the only male. Maybe its just instinct or course of habit, coz i'm used to being the only male in the house. I live together with 5 females (huwat!) lola, nanay, ate and my nieces.
5. I don't eat vegetables and fruits (a lot). konti lang ang kinakain kong variety ng prutas at gulay. kahit sabawan mo pa yang gulay ng hershey's choco syrup eh wag mong iexpect na kakainin ko yan. Eew.
6. Im a person of impersonation. gusto kong may ginagaya. cartoon character, totoong tao, sound effects, kahit ano. You can just imagine how colorful my childhood playtimes were. Naalala ko i used to record my own radio show at age nine. complete with music tracks and commercials.. o-ha. ganun ako katechnical.... kahit di ako promil kid. Gift ko yata yung voice talent saka acting (thank you, Jesus)
7. Why buy when I can make one. The frustration of novelty shops on my ego is that whenever i see something creatively done at sale somewhere i wouldn't think of buying it. I always think that i can make one just like that... or even better (kasi ako may gawa). Gusto ko kasi pag meron ako ng isang bagay eh ako lang ang merong ganun. uniquely nads. One time I made a shoulder bag out of the old pants I ripped (di yun sira, sinira ko lang para makagawa ng bag) and stitched in a label: nadstrings (for legal purposes lol). That bag disappeared... parang may natuwa at ninenok. waaah. I miss that Rivermaya bag.
...and lastly (thank God)...
8. Im a writer. Not a speaker. Although I can do both, my confidence as a writer exceeds my being a speaker.I like blogging. I love to write and play with words. (eh bat minsan lang ako mag-blog sa multiply, kamo? It's not my only blog on earth haha). I love to talk coz when I talk people listen. Pero ngayon my speaker side is catching up. Madalas ako ang MC pag may event or something, pero sa bahay di nila alam na ginagawa ko yun. wow! secret life hehe.
-END-
Thursday, August 9, 2007
packaged
"How many times do we miss God's blessings because they are not packaged as we expected?"like this blog... i never thought that even thru this simple stuff, God would speak, to me and through me. (Sana in a good way). It's unlikely, but it happens. There were times when I prayed to God for a generous heart pero hindi ko nalaman na yun pala yung time na nanghingi ng isang basong tubig sa kin yung lola ko. I prayed for His presence evenmore pero naisip ko ba nung araw na yun na nagising ako yun na pala yun. So true. Di ko pala original quote yan, hiniram ko lang because it strikes me a lot. I have expectations for my life and myself pero kahit gaano pa man ka-engrande yon... gaya ng isang buwang bakasyon sa boracay with pay... eh hindi ko maka-capture kung paano mag-isip at mag-interpret ang Diyos. Haaay... tao lang ako, at masakit pa ang tyan ng taong ito. Pero ngayon okay-okay na. Salamat sa dasal. Pero anu pa man nga ang concern ko, alam kong sagot ni God lahat yon. He doesn't pick the concerns. He is concerned with all of my concerns. Idamay ko pa lahat ng human race at lahat ng species in general. He answers all our prayers, big time man (1 month vacation sa Boracay with pay) or small time (without pay), in a package incomprehensible by human minds. Lucky for us, God blesses us, given that we understand..or not.
so, so painful that my stomach can hardly take it.
Lumipas na ang ilang mga araw na hindi ko na naiisipang tignan pa ang laman ng mga kaldero sa bahay pagkauwi ko. Im so tired to even try eating dinner. Pero dahil birthday ng aking pamangkin (...at ako ang nagpabili ng cake) eh I can't help but take a nibble.O nibble lang nga ba yun? Coming from a dredded sale day at greenhills to buy a pair of shoes for myself (pamangkin ko sana may birthday nun eh) nakauwi ako at around eleven na ng gabi. Gutom na gutom... andami kong gutom. But at the same time, pagod na pagod...anlaki ng pagod ko.At nung nakita ko ang ulam at ang cake, nanghinayang naman akong mapanis na lamang ito o langgamin. With eyes half-closed, I ate, and finished it all. Biruin mo?! Nakatulog na ko ten minutes after finishing my meal. And then it began. Nagising na lang ako at around three in the morning dahil parang may sumuntok sa tyan ko that I feel it aching. Pulsating sya at di na ko makatulog. Siguro dahilan na rin yun kung bakit di ako na-late sa S.A. kahapon. Pero ang sakit talaga. Even when I was playing the bass guitar, greeting some bros and sis, ramdam ko pa rin that there's something going wrong inside me. Nope, di ko naman kelangan ng Loperamide o kung ano man, masakit lang talaga. Sabi baka daw nabigla yung tyan ko, kasi nga di na sanay makatanggap ng hapunan at ayun bigla syang tinabunan ng katakut-takot. Hanggang ngayon, under observation pa rin ako sa sarili ko. Sana bukas mas maayos na, ayoko ng isang linggong ganito. : (
Monday, August 6, 2007
spoilers
naging popular sa kin na buzz word ang 'spoilers' lalo na ng mailabas na ang pelikulang harry potter and the Order of the Phoenix nung nakaraang month kasabay ng pagrerelease ng final installment na HP and the Deathly Hallows. Ayaw na ayaw nila malalaman ang mangyayari sa susunod na kabanata...eh naisulat na nga't naipublish eh, all you have to do is to accept what is written." only those whom he loved could see the lightning scar. "
J.K. Rowling's Interview - by the Associated Press. (Mga comments nya, brief lang, pero sinabi na nya dito kung anong mangyayari AFTER the DEATHLY HALLOWS. Wala na pong ilalabas na book tungkol dun. May video din.)
disbandment
maraming naging saksi sa pag-uumpisa, paglaki at pagsikat ng bandang ito. Idol ko sila. Minsan pag trip kong sumulat ng kanta... siguro pag inspired... eh sila ang iniisip ko. Pano kaya nila isusulat ang kantang nasa isip ko at sa paanong style nila ito aawitin at tutugtugin. Sila ang inspirasyon ko ng mahigit dalawang dekada.
aray
aray koh pooh bear!!!!!!!!!!nagkasugat ako sa paa... sinlaki ng munggo... hopiang munggo... mali kasing medyas yung nasuot ko nung nakaraang pumasok ako ng opisina. Nilalakad ko pa naman lang yung mula MRT Ortigas hanggang TEKTITE....Araw-araw. Masakit na sya bago pa ko makauwi at nung tinignan ko nga eh may dugo sa medyas ko. Akala ko isa na itong Stigmata, hindi pala, di rin pala sya bagong sugat. Yung dati na pala yun. Natuklap lang yung tuyong balat ng wala sa tamang panahon kaya nagdugo ulit. Kala ko ba time heals all wounds. Di pala, lalo na kapag di pa naghihilom eh kinutkot na agad. Mas lumalim, mas sumakit. Gagaling din naman pero di agad-agad. grr. gagaling na sana eh.
Buti na lang sugat sa labas, pano kung sugat sa loob. Yung di nagdudugo.
Yung mahirap malaman kung gumagaling ba o hinde. Mahirap na sitwasyon yun.

kaw, nagkasugat ka na ba?
last man running
sinabi ko sa isang blog ko na gusto kong magjogging. pinakalat ko ito sa paniniwalang makakatulong sa kin ang pagpapaalam nito sa iba. para may magtatanong kung nagawa ko nga ang desisyon ko. Sa mga nagtanong na di ko sinagot, Oo, nagawa ko.
bumangon ako ng alas-singko y medya ng umaga, pinaalarma ko pa ang cellphone ko para lang makasigurong may gigising sa akin. Dahil sabado kasi noon at wala akong inaasahang babangon ng ganon kaaga matapos paglamayan ang bubble gang kagabi. Nagulat pala ang nanay ko ng makitang naka-ayos ako na parang isporti. "Magjo-jogging ka?" "Sabi ko "Oo" sabay impake ng aking bakpak. Naglagay ako ng tubig, ekstrang damit at twalyang maliit sa loob ng aking bag. Gusto ko pa sanang maglagay ng sunblock, payong at banig, pero naalala ko hindi pala ako magbi-beach. Lumabas na ko ng pinto, handa, pero di alam kung san pupunta. "saan nga ba ko tatakbo?"
Naisip kong daanan ang sementeryo malapit sa bahay namin (awooooo!!!!!) may araw na nun (ok fine). Para kung saka-sakaling hindi sya bukas eh tutulak na ko papuntang quezon circle. Awa ng Diyos, bukas ang pintuan ng sementeryo, parang pintuan ng langit na nagsabi sa king "halika at nang makatipid sa pamasahe" Pumasok ako. Alam nyo yung pinapakita sa mga pelikula na papasok sa isang higanteng gate tapos may malawak na hardin at maraming mga anghel na nagsisilaro...ganun yung nakita ko. Isang malaking gate, malawak na hardin...na maraming marmol sa lapag, saka anghel, na marmol din, saka mga naglalaro at nagtatakbuhang mga tao...mga buhay pa naman at di kaluluwa.bumangon ako ng alas-singko y medya ng umaga, pinaalarma ko pa ang cellphone ko para lang makasigurong may gigising sa akin. Dahil sabado kasi noon at wala akong inaasahang babangon ng ganon kaaga matapos paglamayan ang bubble gang kagabi. Nagulat pala ang nanay ko ng makitang naka-ayos ako na parang isporti. "Magjo-jogging ka?" "Sabi ko "Oo" sabay impake ng aking bakpak. Naglagay ako ng tubig, ekstrang damit at twalyang maliit sa loob ng aking bag. Gusto ko pa sanang maglagay ng sunblock, payong at banig, pero naalala ko hindi pala ako magbi-beach. Lumabas na ko ng pinto, handa, pero di alam kung san pupunta. "saan nga ba ko tatakbo?"
Sinundan ko lang muna sila sa kanilang ruta na pa-counterclockwise, tinatantya ko pa kung itutuloy ko pa ang pag-jog. may mga kumukumbinsi sa king tumakbo...yung mga taong animo'y tomador na anlalaki ng tyan pero nagsisikap na tumakbo...kababae pa namang tao. Desidido na ko, kung kaya nila, kaya ko rin. Isang bagay ang nag-uugnay sa kin sa kanila, ang pagnanais na magehersisyo, may isang bagay din na nagtatangi sa kin sa kanila... napansin ko, ako lang ang may dalang bakpak.
Inikot ko isang beses ang rotondang tinatakbuhan nila at nakumbinsi akong ako lang talaga ang may dalang bag. grr. Pagtingin ko sa cellphone ko, ala-sais pa lang naman kaya naglakas muna ako pauwi at iniwan ang bag ko saka naglakad pabalik ng sementeryo. Ayos to, warm up na rin. At pagdating ko doon, nagsimula na akong tumakbo. Mga isang oras din akong patakbo-takbo at palakad lakad bago ko mapansing tumindi na ang sikat ng araw at ako na lang ang natitirang tumatakbo. Dahil doon nagpasya na kong umuwi.
Mag-isa pa rin akong naglalakad pauwi, pawis na pawis, pero natutuwa ako't nasimulan ko kahit papaano ang balak ko. Wala akong niyayang ibang tao para sumabay sa kin tumakbo. Wala kasing katiyakan kung tutuloy talaga ako sa "trip" ko. Pero dahil nagawa ko mag-isa napatunayan kong pwede naman palang maging pursigido, walang pumipilit, wala ding pumipigil, nagawa ko kasi malaya naman akong magdesisyon, para sa sarili ko, para sa ikabubuti ko.
hopeless thematic
medyo "tamang-thematic" ako ngayon. August na kasi (anong konek?)kaya iikot ang blog ko sa mga temang malungkot, di naman ako suicidal, maige naman na paminsan-minsan eh di gaanong ganun kasaya, ika nga, di naman araw-araw ay pasko. Kung may makikidalamhati sa kin, salamat, kung wala salamat pa rin sa pagpapatibay ng tema ko, pero di pa rin magbabago ang trip kong tema ngayong buwan.
sabi ng mga psychologist (mga sikoloki-,skolo-sikokolo- ah basta) repleksyon daw ng kung ano ang nasa loob ang nailalabas o naipapahiwatig ng isang tao sa panlabas. Sa akin mabuti na lang at hindi ako ganung tao (psychological), kung ano lang ang gusto ko gawin, gagawin ko. Sa isang banda, sinabi sa isang issue ng reader's digest na sa mga lugar katulad ng internet eh maraming lumalabas ang totoong pagkatao... marami din namang nagmamaskara. Nasa atin na lang ang pagpapasya kung gaano natin talaga kakilala ang isang tao.
Maraming tatamaan, maraming matutuwa, pero para sa kin, ito lang ang napagdesisyunan kong tema.
isang umaga...
Nads: (pupungas-pungas pa ang mata, titingin sa kalendaryo) agosto na pala, tag-ulan, makulimlim, malungkot. Sabayan ko kaya ang panahon....okey lang kaya....hmmmm.....
...and the rest is history...